Higit sa P15-M halaga ng samo’t saring kalakal, nasabat ng Philippine Navy sa karagatan ng Tawi-Tawi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasabat ng Philippine Navy ang higit sa P15 million halaga ng samo’t saring kalakal sa piligid ng Titi Point sa bayan ng Sanga-Sanga sa lalawigan ng Tawi-Tawi.

Ito’y mataops maharang ng Patrol Craft PC390 ng Naval Task Force -61 (NTF-61) ang M/L Aizalyn III na may kargang ‘di dokumentadong refined na puting asukal at sari-saring mga kalakal.

Naharang ang naturang lantsa sa kasagsagan ng routine maritime security patrol and internal defense operation ng NTF-61, bilang bahagi ng pagpapatupad ng misyon ng Naval Forces Western Mindanao (NavForWem).

Ayon kay Rear Admiral Donn Anthony Miraflor, kumandante ng NavForWem, ang pagkakahuli ng mga kontrabando ay isang makabuluhang tagumpay sa kanilang hindi natitinag na misyon na pangalagaan ang Philippine maritime boarders at protektahan ito laban sa ipinagbabawal na mga aktibidad na nagbibigay-banta sa economic and security interests ng bansa.

Ang nakumpiskang mga kontrabando ay nasa kustodiya na ngayon ng Bureau of Customs Sub-Port Bongao Station sa Tawi-Tawi para sa malalimang imbestigasyon at tamang disposisyon. | via Lesty Cubol | Zamboanga Sibugay

📸 PAO, Naval Forces Western Mindanao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us