Hiling ng Ombudsman na non-publication ng annual audit report, aaralin ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas ang House Committee on Appropriations na aralin ang suhestiyon ni Ombudsman Samuel Martires na alisin na ang probisyon sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA), ukol sa paglalathala ng “audit observations” ng Commission on Audit (COA).

Ayon kay Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co, Chair ng komite, aaralin nila ang magiging epekto at implikasyon ng hiling ng Ombusdman.

Batid aniya ni Co ang concern ni Ombudsman Martires kaugnay sa premature judgement at kalituhan sa pagbabasa ng naturang audit reports, lalo na rin sa posibleng epekto nito sa reputasyon ng mga opisyal 

Sa naging budget briefing noon ng kamara, hiniling ng Ombudsman na tanggalin na ang special provisions hinggil sa pagpa-publish ng audit observation memorandum na nagdudulot lang aniya ng kalituhan at pagdududa sa ahensya, na ino-audit at maging sa Ombudsman. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us