Hindi makatwirang off-loading ng mga OFW, muling idinulog ng party-list solon sa Bureau of Immigration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinalampag muli ni OFW Party-list Representative Marissa ‘Del Mar’ Magsino ang Bureau of Immigration, na payuhan ang kanilang mga immigration officer na maging maingat sa screening ng mga biyahero para maiwasan ang hindi makatwirang off-loading lalo na sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Sa deliberasyon ng panukalang budget ng Department of Justice (DOJ) sa plenaryo, tinukoy ni Magsino na noong 2022, 32.404 na biyaherong Pilipino ang na-offload—pero 472 lang dito ang napatunayang biktima ng human trafficking at illegal recruitment.

Dahil naman sa kuwestyon sa pagiging epektibo ng departure screening at guidelines, itinutulak ngayon na i-reimburse ang offloaded passengers at kunin mula sa immigration fees ang bayad danyos.

Ngunit ayon kay Appropriations Committee Vice Chair Ruwel Gonzaga sponsor ng DOJ budget, hindi naman makatwiran na ang tanggapan ang sasalo sa pagkakamali ng isa sa kanilang empleyado.

Punto nito, sakaling mapatunayan na ang isang immigration officer ay nagkamali at masampahan ng kaso ay mayroon naman itong civil liability. Kaya nga rin aniya kanilang pinapalakas ang pagbibigay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us