Hirit na dagdag pondo para sa pagbili ng karagdagang body-worn cameras para sa mga pulis, welcome sa PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinuturing na welcome development ng Philippine National Police (PNP) ang naging hirit ng isang mambabatas sa Kamara na dagdagan ang pondo ng PNP.

Ito’y para sa pagbili ng mga body-worn camera na siyang gagamitin ng mga pulis sa tuwing sila’y magkakasa ng operasyon kontra krimen, iligal na droga at pagbabantay sa mga scalawag.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, nagpapasalamat sila sa  patuloy na suporta ng mga mambabatas para sa kanilang pagnanais na maging transparent sa mga ikinakasa nilang operasyon.

Una rito, hinikayat ni Abang Lingkod Party-list Representative Joseph Stephen Paduano sa mga kapwa niya mambabatas na dagdagan ang pondo ng PNP para sa mga body-worn camera.

Sa ilalim ng panukalang pondo para sa 2024, nasa ₱66-milyong piso ang inilaan para sa pagbili ng higit 2,000 body-worn cameras na nagkakahalaga ng ₱33,000 kada unit.

Sa kasalukuyan ani Fajardo, nasa mahigit 2,700 body-worn cameras ang mayroon ang PNP at nangangailangan pa sila ng mahigit 42,000 pa nito.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us