Hirit na taas-singil at termination sa naunang PSA ng MERALCO at Panay Energy Development Corporation, kinatigan ng ERC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang hirit na taas-singil ng affiliate firm ng Manila Electric Company (MERALCO) na Panay Energy Development Corporation (PEDC).

Kasunod nito, pinagbigyan din naman ng ERC ang hiling ng dalawa na itigil ang naunang Power Supply Agreement (PSA) na kanilang sinelyuhan.

Ayon sa ERC, pinayagan nila ang hirit na taas-singil dahil naka-angkla anila ito sa tinatawag na Change of Circumstance provision sa Power Supply Deal ng dalawang kumpanya.

Noong Enero 20 pa ng nakalipas na taon, naihain ng MERALCO gayundin ng Panay Energy ang mga naturang petisyon sa panahong sumirit sa mahigit US$400 kada metriko tonelada ang presyo ng coal kasunod ng digmaan  Ukraine.

Katuwiran ng PEDC, aabot sa halos ₱1 bilyong na ang kanilang naging lugi mula noong Setyembre 2022, kaya’t ito ang nagtulak sa kanila para maghain ng rate adjustment sa ERC.

Sa inilabas na pahayag, inihayag ni ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, na sa botong 3-2 ay nagpasya sila na pagbigyan ang mga inihaing petisyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us