HMCS Ottawa ng Royal Canadian Navy, bumisita sa Subic, Zambales

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ng Philippine Navy ang pagbisita sa bansa ng His Majesty’s Canadian Ship (HMCS) Ottawa sa Subic Bay Freeport, Zambales kahapon.

Ang Royal Canadian Navy delegation na pinangunahan ni HMCS Ottawa skipper, Commander Sam Patchell, ay sinalubong sa pagdaong sa Rivera Wharf, ni BRP Conrado Yap (PS39) Commanding Officer Capt. Cyrus Mendoza, Canadian Ambassador to PH David Hartman, at SBMA Chairman and Administrator Jonathan Tan.

Kasunod nito ay nagsagawa ng courtesy call ang Canadian Navy delegation sa Naval Operations Base (NOB) Subic, kung saan tinanggap sila ni Offshore Combat Force Commander, Commo. Edward Ike De Sagon.

Bukod sa mga aktibidad kasama ang Philipine Navy, magsasagawa din ang Canadian Navy ng outreach activity sa Aeta Community, at ‘Brigada Eskwela’ sa pampublikong paaralan sa Zambales.

Inaasahan naman bukas ang pagdating ng Naval Replenishment Unit (NRU) Asterix na kasama ng HMCS Ottawa sa limang araw na pagbisita sa bansa. | ulat ni Leo Sarne

📷: Fleet Public Affairs Office

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us