Pinasalamatan ni House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa direktiba nito para sa agarang pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa onion cartel sa bansa.
Kasunod ito ng paghahain ng reklamo ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga indibidwal na nasa likod ng pagpupuslit at hoarding ng sibuyas.
Dahil aniya sa atas ng Pangulo ay napabilis ang pagsasampa ng kaso laban sa mga akusado.
Nagpasalamat din si Enverga kay Speaker Martin Romualdez na siyang nanguna sa imbestigasyon ng Kamara sa taas-presyo ng sibuyas noong nakaraang taon.
Asahan din aniya na masusundan pa ang paghahain ng mga kaso.
Kaya naman patuloy silang makikipagtulungan sa Department of Justice para mahabol at masampahan ng kaso ang mga sangkot sa kartel at hoarding ng sibuyas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes