Hybridization ng palay sa Davao Region, paiigtingin ng Department of Agriculture

Facebook
Twitter
LinkedIn

Papaigtingin ngayon ng Department of Agriculture 11 (DA 11) sa mga magsasaka sa Davao Region ang hybridization ng palay para mapaunlad ang produksyon ng bigas sa rehiyon.

Sa isinagawang AgriBiz Media Forum, sinabi ni DA-11 Regional Rice Program Coordinator Evelyn G. Basa na namimigay sila ng hybrid rice seedlings sa mga clustered famers sa ilang lugar sa rehiyon dahil sa pamamagitan nito mapapataas ang volume ng produksyon ng bigas.

Ayon kay Basa, target na makuha ang six metric tons na produksyon kapag maitanim ang mga hybrid rice sa ilang clustered areas sa rehiyon.

Paliwanag ng opisyal, ito pa sa kasalukuyan ang nakikitang paraan para mapataas kahit papaano ang produksyon ng bigas dahil sa kakulangan ng lugar na pagtatamnan.

Dagdag din ng opisyal na kung nais ng local government units sa rehiyon na maabot ang rice sufficiency, dapat mas palawakin ang lugar na sasakahan ng palay at pataasin ang frequency ng pagtatanin nito kada taon.

Bukod sa pagbibigay ng hybrid rice seedlings, namimigay din ng fertilizer voucher ang DA-11 sa mga magsasaka. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us