Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mag-iikot sa ilang mga pamilihan ngayong araw para tiyaking nasusunod ang itinakdang price ceiling sa bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iikutin ngayong araw ng mga opisyal mula sa Department of Agriculture (DA) gayundin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Agora Market sa San Juan City ngayong araw.

Ito’y para tiyaking nasusunod ang inilabas na Executive Order No. 39 series of 2023 na nagtatakda ng price cap sa bigas sa ₱41 kada kilo para sa regular milled rice habang ₱45 naman para sa well milled rice.

Pangungunahan nila Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban gayundin ni Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo ang pag-iikot sa nasabing pamilihan.

Sasamahan sila nila Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes gayundin ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora.

Magugunitang layunin ng pagtatakda ng price ceiling sa bigas ay para labanan ang anumang uri ng pananamantala gaya ng kartel, hoarding, at smuggling gayundin ay upang mapanatiling mababa ang presyo nito sa mga pamilihan

Kasunod nito, nagbabala si Zamora sa sinumang hindi susunod sa naturang kautusan ay tiyak na mahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 7581 o ang Price Act gayundin sa Republic Act 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act.

Gayundin sa mga ipinasang ordinansa ng iba’t ibang lokalidad na nagtatatag ng Local Price Control Coordinating Council. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us