Nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Guro ngayong Setyembre ang pamunuan ng San Carlos City Schools Division Office.
Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang misa na sindundan ng iba’t ibang aktibidad tulad ng medical mission, parada at konsyerto.
Ang pagdiriwang ngayong taon na may temang “Together4Teachers,” ay pagkilala sa husay, dedikasyon at kadakilaan ng mga Pilipinong guro na katuwang ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagtupad ng isang “Bansang Makabata at mga Batang Makabansa”.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Schools Division Superintendent Dr. Sheila Marie Primicias, na ang mga guro ay mga bayaning patuloy na bumubuo ng mas maliwanag na kinabukasan.
Kabilang pa sa isang buwang selebrasyon para sa mga guro ng DepEd San Carlos City ay ang pagpapamalas sa husay at talento ng mga guro sa isasagawang battle of the bands, radio broadcasting, at sing and dance concert. | ulat ni Sarah Cayabyab | RP1 Dagupan