Lumahok ang iba’t ibang grupo mula sa pamahalaan at pribadong sektor upang tumulong sa paglilinis ng dalampasigan sakop ng Dolomite Beach sa Manila Bay ngayong araw.
Ito ay alinsunod sa International Coastal Cleanup Day na isinasagawa tuwing ikatlong Sabado ng Buwan ng Setyembre.
Isa ang Pilipinas sa 150 bansang nakikilahok sa sinasabing pagdiriwang at aktibidad na layuning matutukan ang mga dalampasigan sa buong mundo.
Sa ngayon, patuloy ang paghakot ng mga volunteers sa mga basura tulad ng plastik, bote, at iba pa sa Dolomite Beach kasabay pa ng ibang lugar sa bansa.
Inaasahan namang aabot sa 35,000 volunteers ang lalahok sa cleanup effort na ito ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). | ulat ni EJ Lazaro