Nag-anunsyo ang iba’t ibang lokal na pamahalaan sa silangang bahagi ng Metro Manila ng kanselasyon sa klase sa mga paaralan sa kanilang nasasakupan.
Ito’y kasunod pa rin ng nararanasang pag-ulan sa malaking bahagi ng Kamaynilaan bagaman wala namang nakataas na color coded rainfall warning o di kaya’y babala ng bagyo.
Unang nag-anunsyo ang Lungsod ng Marikina na walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan na sinundan naman ng San Juan City.
Sa Mandaluyong, mula Kinder hanggang Grade 12 lamang sa mga pribado at pampublikong paaralan ang kanselado ang klase ngayong araw.
Gayunman, tanging Pasig City ang walang anunsyo ng kanselasyon ng klase kaya’t tuloy ang pasok ng mga mag-aaral sa nabanggit na lungsod. | ulat ni Jaymark Dagala