Nagpulong ngayong araw sina National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian.
Tinalakay sa pagpupulong ng dalawang opisyal ang mga hakbang kung paano maipatutupad ang pamamahagi ng tulong para sa rice retailers na tumatalima sa umiiral na price cap sa bigas.
Gayundin ang pagpapatupad ng rice subsidy program, na layong tugunan ang nagpapatuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, sa pamamagitan na rin ng pamamahagi ng rice vouchers para sa mga mahihirap na Pilipino.
Binigyang diin pa ni Balisacan, ang pangangailangang maghanap ng iba pang mga pamamaraan kung paano ito matutugunan gaya ng pagbabawas ng taripa sa bigas.
Ito’y habang umiiral ang inilabas na Executive Order no. 39 o ang pagtatakda ng price ceiling sa bigas upang maiwasan ang mas maraming economic cost. | ulat ni Jaymark Dagala
📸:NEDA