Nagkaloob ng iba’t ibang serbisyo ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa ginanap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.
Layon ng programa na mailapit sa mga Pilipino ang mga serbisyo ng gobyerno lalo na sa malalayong mga lugar.
Kabilang sa mga inihandog na serbisyo ng DMW para sa mga OFW ang Pre-employment at Anti-Illegal Recruitment Orientation sessions, e-Registration para sa Overseas Employment applicants, Job -Matching, Reintegration Orientation sessions para sa mga OFW na gusto nang manatili sa bansa, at pati legal at welfare assistance.
Kasabay nito ay nagpaalala naman ang DMW sa mga Pilipinong nais na magtrabaho sa ibang bansa, na gamitin ang online services portal ng DMW dahil ito ay accredited at licensed na recruitment agencies.
Inilunsad ng pamahalaan ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair nitong Sabado sa Ilocos Norte, Camarines Sur, Leyte, at Davao De Oro.
Plano naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dalhin ang naturang caravan sa lahat ng lalawigan sa bansa. | ulat ni Diane Lear