Nakibahagi ang iba`t ibang tanggapan sa lalawigan ng Pangasinan sa pagdiriwang ng 2023 International Coastal Clean Up Day ngayong araw, ika-16 ng Setyembre 2023.
Dinaluhan ang kaganapan ng mga kawani ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail and Management and Penology (BJMP), kawani ng Local Government Unit (LGU) ng Lingayen, Pangasinan, Barangay Officials, NGOs, Volunteers at mga Civil Society Organizations (CSOs).
Sako-sakong mga basura naman sa kahabaan ng Lingayen Beach ang nakuha at napulot ng mga dumalo.
Binigyang katawagan ng LGU Lingayen ang kaganapan bilang Barangay at Kalinisan Day (BarKada).
Layunin nitong mabawasan ang mga basura sa coastal areas at mapanatili ang natural na ganda ng mga dagat sa lalawigan.
Dagdag dito, tugon din ito sa direktiba ng Department of Interior and Local Government (DILG) na makiisa sa mga programang magpapanatili ng kalinisan ng mga baybayin. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan