Ikaapat na Kadiwa store sa Bulacan, binuksan ng NHA at DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan pa ang mga Kadiwa store na nag-aalok ng abot-kayang bilihin sa mga mamimili sa Bulacan.

Kasunod ito ng pagbubukas ng National Housing Authority (NHA) at Department of Agriculture (DA) sa ikaapat na Kadiwa Pop-Up Store sa lalawigan na matatagpuan sa Katuparan Village, Norzagaray, Bulacan.

Ayon sa NHA, pangunahing layunin ng inisyatibo na mailapit sa mga benepisyaryo-residente ng Katuparan Village ang iba’t ibang produktong farm-to-market sa mas murang halaga.

Kabilang sa mabibili sa bagong bukas na KADIWA store ay mga prutas, gulay, de-latang sardinas at corned beef, itlog, bigas, at mga sariwang karne ng manok, baboy at baka.

Nagmula naman ang mga supplier at vendor ng Kadiwa sa probinsya ng Bulacan, Pampanga, at Nueva Ecija na tinipon ng DA-Agribusiness at Marketing Assistance Service (AMAS).

Kasunod nito, tina-target ng NHA na magtayo ng mas marami pang Kadiwa stores sa mga resettlement site sa buong Pilipinas.

Una nang inilunsad ang dalawang tindahan ng Kadiwa sa lalawigan ng Rizal habang isang Kadiwa store rin ang matatagpuan sa Cavite upang pagsilbihan ang mga benepisyaryo ng abot-kayang produktong agrikultura sa gitna ng patuloy na pagmahal ng mga bilihin.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us