Ilang barangay sa Quezon City, mawawalan ng suplay ng tubig simula ngayong gabi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag abiso na ang Manila Water na mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang barangay na kanilang sineserbisyuhan sa lungsod Quezon simula mamayang gabi.

Bunsod ito ng isasagawang network maintenance, line maintenance, at valve maintenance ng water concessionaire.

Apektado ng water interruption ang ilang bahagi ng Brgy. Kamuning mula alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng madaling araw ng Setyembre 27, kinabukasan.

Sunod ding mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Brgy. Pansol, ilang bahagi ng Brgy. Claro, Brgy. Duyan-Duyan, Brgy. Quirino 3-A at ilang bahagi ng Brgy. Tandang Sora mula alas 10:00 ng gabi ng Setyembre 28 hanggang alas 4:00 ng madaling araw ng Setyembre 29.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga residenteng nakatira sa mga nabanggit na barangay na paghandaan ang pansamantalang pagkawala ng tubig.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us