Ilang kumpanya ng langis, naglabas na ng presyo para sa price increase ng produktong petrolyo bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ang ilang mga kumpanya ng langis ng kanilang magiging presyo sa nakaambang na taas-presyo sa produktong petrolyo, bukas.

Simula mamayang alas-12:01 (September 19) magpapatupad ang kumpanyang Caltex ng P2 sa kada litro ng gasoline; habang P2.50 naman sa kada litro ng diesel; at P2 din ang itataas sa kada litro ng kerosene.

Ganito rin ang ipapatupad ng Pilipinas Shell, bukas ng alas-6 ng umaga, habang ang kumpanyang Clean Fuel naman ay bukas pa ng alas-4 ng hapon ipapatupad ang naturang taas-presyo.

Maging ang ilang mga kumpanya ng langis ay ipapatupad ang nabangit na presyo ng mga produktong petrolyo, na magkakaiba lamang ang oras ng pagpapatupad nito.

Ang oil price increase ay bunsod pa rin ng pabago-bago ng presyo sa pangdaigdigang merkado. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us