Ilang lugar sa Pasay, Maynila, at Makati pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ayon sa Maynilad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinababatid ng Maynilad sa mga customers nito sa ilang bahagi ng Makati City, Pasay City, at Manila City na pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig sa inyong lugar simula mamayang gabi ngayong araw.

Dulot umano ang water interruption ng pagpapalit ng gate valve sa bahagi ng Espiritu Pumping Station at decommissioning ng tubo ng Maynilad sa kahabaan ng Estrada St., mula Espiritu hanggan Lemery, Malate, lungsod ng Maynila.

Kasama sa apektado ng water interruption ay ang mga barangay ng 719 at 726 hanggang 733 sa Malate. 745 hanggang 762, 769, 803, at 807 sa Sta. Ana, Maynila.

Sa Pasay, apektado ang mga barangay 1 hanggang 7, 9, 14 hanggang 20, 23, 33, hanggang 37, 41 hanggang 49, 51 hanggang 53, 55 hanggang 68, 71 hanggang 75, 80 hanggang 138 at 140 hanggang 143.

Habang sa Makati, apektado naman ang Barangay ng Bangkal.

Ayon sa Maynilad, mawawalan pansamantala ng suplay ng tubig mula ngayong araw sa mga nabanggit na lugar mula September 30, simula 8pm hanggang 9pm ng October 1.

Inaabisuhan naman ang mga apektadong customer na gawin ang lahat ng paghahanda bago ang pagkawala ng suplay ng tubig gayundin ang pag-iipon ng tubig bago ang pagkawala ng suplay. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us