Ilang lungsod sa southern part ng Metro Manila, naglabas ng suspensyon ng klase dahil sa volcanic smog na inilalabas ng Bulkang Taal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suspendido na ang  mga klase ngayong araw ng Biyernes, September 22, 2023, sa lahat ng antas, pampubliko o pribado sa Lungsod ng Pasay, Las Piñas, Muntinlupa, at Parañaque dahil sa banta sa kalusugan ng usok na ibinubuga ng Bulkang Taal.

Ayon sa mga lokal na pamahalaan ng lungsod, mas importante pa rin ang kapakanan ng mga estudyante kung kaya naman minabuti na nilang kanselahin muna pansamantala ang mga klase.

Nagbigay paalala rin ang mga LGU na magsuot muli ng face mask o protective gear bilang sangga at nang hindi na makalanghap pa ng volcanic smog na maaring makaapekto sa kalusugan ng bawat isa.

Samantala, kung wala namang importanteng pupuntahan, pinapayuhan rin nila ang publiko na manatili sa loob ng tahanan at dagdagan ang ibayong pag-iingat.  | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us