Naglabas na ang mga oil companies ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolo bukas
Ipapatupad ng kumpanyang Caltex at Clean Fuel mamayang alas dose ng hating gabi ng martes ang P0.20 sa kada litro ng diesel habang P0.20 din sa kada litro ng gasolina habang P0.50 naman sa kada litro ng kerosene.
Ang mga kumpanya naman ng Pilipinas Shell, Sea oil at Petro Gazz ay magpapatupad din ng kaparehong singil bukas ng alas sais ng umaga.
Ang oil price rollback ay bungsod pa rin ng pabago-bagong presyo sa pandaigdigang merkado.| ulat ni AJ Ignacio