Ilang mga tauhan ng Legazpi Public Safety Office, kapulisan, civil security units, at tricycle drivers, sumailalim sa Filipino Brand of Service Excellence na pagsasanay ng DOT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumailalim sa isang araw na pagsasanay ang ilang mga tauhan mula sa Legazpi Public Safety Unit, Legazpi City Police Station, civil security unit kasama ang ilang mga tricycle drivers sa isang araw ng pagsasanay tungkol sa Filipino Brand of Service Excellence noong ika-5 ng Setyembre sa Ibalong Conference Room, City Hall Compound, Legazpi City.

Ang nasabing pagsasanay ay proyekto ng Legazpi Tourism Services Division na pinamumunuan ni Ms. Agapita S. Pacres.

Ang FBSE training na sinagawa ay naging possible sa pakikipagtulungan sa Department of Tourism Region 5 na siyang nangasiwa sa isang araw na pagsasanay.

Ang training ay naglalayong paunlarin ang bukod tanging Filipino hospitality sa ibat ibang mga sektor na malaki ang parte sa pagsulong ng turismo sa lugar. Ani Pacres, ang FBSE training ay malaking tulong para magbigyan ng gabay ang mga partisipante sa kung paano ang magandang pakikitungo sa mga turista ng Legazpi. | ulat ni Twinkle Neptuno | RP1 Albay

Photo: Legazpi City Tourism

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us