20 microentrepreneurs mula sa bayan ng Mangatarem, Pangasinan ang napagkalooban ng livelihood kits sa ilalim ng DTI Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (DTI-PPG) Program.
Ang pamamahagi ng nasabing tulong pangkabuhayan ay pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan sa pamumuno ni Provincial Director Natalia Dalaten, LGU Mangatarem sa pangunguna ni Mayor Ramil Ventenilla at ng tanggapan ni Senator Bong Go.
Ang mga napiling benepisyaryo ng ginawang distribusyon ay tumanggap ng ilang grocery at sari-sari store items gaya ng noodles at kape at iba pa na maaari nilang maibenta at pagkakitaan.
Ang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) ay isang programang isinulong ni Senator Bong Go noon pang nakaraang administrasyon at ipinagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.
Layunin nitong magbigay ng tulong sa mga maliliit na mga negosyong naapektuhan ng mga insidente ng sunog at iba pang mga kalamidad at tulungan din ang mga National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) individuals sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanilang maliliit na mga negosyo.
Ito ay upang magawa ng mga komunidad na dating nasa ilalim ng kontrol ng mga “communist insurgents” na umunlad hanggang sa puntong hindi na magawa pa ng mga komunista na makabalik doon. | ulat ni Ruel de Guzman | RP1 Dagupan
📷 Mangatarem Umisem