Ilang pamilya sa Zamboanga City, inilikas dahil sa baha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilikas ang ilang pamilya mula sa apat na mga barangay sa Zamboanga City matapos makaranas ng pagbaha ang siyudad kahapon.

Batay na pinakahuling ulat kagabi ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), inilikas kahapon ang humigit kumulang sa 2,000 katao dahil sa rumaragasang tubig mula sa ilang bundok sa ilang bahagi sa Zamboanga.

Kabilang sa mga naapektuhang barangay ay ang Barangay Tugbungan, Sta. Maria, Guiwan at Tumaga.

Maliban dito, limang iba pang barangay din ang nakaranas ng pagbaha kahapon.

Nagpapatuloy ngayon ang isinasagawang monitoring ng operation center ng CDRRMO sa mga flood-prone areas sa lugar.

Samantala, as of 9:00 a.m., bumaba na ang lebel ng tubig sa diversion weir ng Zamboanga City Water District mula sa 74.6 critical above level kagabi sa 74.48 ngayong umaga. | ulat ni  Shirly Espino | RP1 Zamboanga

📷ZCDRRMO/RP Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us