Ilang solusyon para mapataas ang produksyon at maging stable ang presyo ng bigas, inilatag

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminungkahi ni House Appropriations Committee Chair at AKO Bicol Party-list Representative Elizaldy Co ang pagkakaroon ng contract growing sa pagitan ng gobyerno at mga lokal na magsasaka.

Sa ilalim nito, ang bahagi ng ani ng isang magsasaka ay maaaring bilhin ng gobyerno sa isang napagkasunduang presyo na may tiyak na kita habang ang nalalabing ani ay ibebenta sa merkado.

“Mas maganda ‘yung contract grow-farming na corporation, ‘yung malalaki, ‘yung 4,000 hectares, 5,000 hectares kasi mas madaling i-control ‘yan. So another win-win situation na sige 50% contracted and 50% may upside ka, so pwede ka rin malugi dun sa 50% [upside] mo,” ani Co.

Titiyakin din aniya na hindi mababarat ang mga magsasaka dahil kukuwentahin naman kung magkano ang puhunan kada kilo ng palay.

Isinusulong din ng kinatawan na ma-control ang presyo ng farm inputs.

Nagkakaroon na rin kasi aniya ng price manipulation sa farm inputs gaya ng abono sa lupa na nakaka-apekto sa presyo ng ani.

“Pwede ring mag-angkat ang gobyerno na… within pagre-revise natin. Pag-amend, dapat kontrolin natin ang mga inputs gaya ng fertilizer [for]… hybrid and inbred [rice varieties],” dagdag ng mambabatas.

Kailangan rin aniyang matutunan ng mga magsasaka ang tamang paggamit ng palay varieties at magkaroon ng sapat na irigasyon para mapataas ang produksyon ng palay at kalaunan ay makapag-export na rin tayo ng bigas.

“[Through] solar-fertigation, mag-i-increase tayo ng mga 70% production… Before [President Ferdinand Marcos Jr.] steps down, exporter na dapat tayo ng bigas,” diin ni Co. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us