Ilang supermarket, pina-subpoena ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasubpoena ng House Committee on Agriculture and Food ang ilan sa malalaking supermarket sa bansa matapos bigong dumalo sa pagdinig ng komite kaugnay sa mataas na presyo ng sibuyas.

Ayon sa chairperson ng komite na si Quezon Rep. Mark Enverga na nagpadala ng imbitasyon ang komite sa Puregold, Robinsons, Gaisano, at Powerplant Mall dalawang linggo na ang nakakaraan subalit hindi pa rin sumipot.

Dismayado naman dito si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo.

Aniya ang hindi nila pagtugon sa imbitasyon ay nagpapakita na wala silang interes na tumulong sa ginagawa nilang imbestigasyon.

“If we sent an invitation and they did not show up meaning to say hindi po sila interesado sa imbestigasyon at tumulong dito sa ginagawa natin. So might as well so if you would please and may I ask Mr. Chair hindi na po invitation kundi padalhan na po natin ng subpoena yang mga tao na yan para sumipot po sila, kung pupuwede kaladkarin natin ho dito para umattend,” sabi ni Tulfo.

Dumalo naman sa pagdinig ang mga kinatawan ng Super 8, SM Savemore, Century City Mall at Walter Mart.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us