Ilang tsuper sa West Ave, QC nanghihinayang sa mawawalang kita dahil sa taas ng diesel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaki ang panghihinayang ng mga tsuper ng pampublikong jeepney sa West Avenue sa Quezon City sa mawawala na namang kita dahil sa hindi maawat na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ngayong araw, epektibo na naman ang panibagong oil price hike na bunsod pa rin ng pabago-bagong presyo sa pangdaigdigang merkado.

Gasoline  ₱2.00/L
Kerosene ₱2.00/L 
Diesel       ₱2.50/L 

Si Mang Renato dela Cruz, na may byaheng Quezon Avenue, sinabing nasa ₱200 na naman ang mawawala sa kanyang kita na katumbas ng pambili na niya ng bigas.

Si Mang Nestor, sinabi ring pautay utay na lang kung bumili ng pang-maintenance ng asawang diabetic dahil sa liit ng kinikita.

Kanya-kanyang diskarte naman ang mga tsuper para may kitain pa rin gaya ng mahabang oras na pamamasada.

Ayon kay Mang Voltaire, inaabot siya ng hanggang alas-12 ng hatinggabi sa kalsada para magkaroon ng dagdag kita.

Umaasa naman ang mga tsuper na matanggap na ang fuel subsidy mula sa pamahalaan para makatulong sa kanila.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us