Iloilo Provincial Price Coordinating Council at Economic Clusters, tinalakay ang EO 39 ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpatawag si Governor Arthur Defensor Jr. ng joint emergency meeting kasama ang Provincial Price Coordinating Council at Provincial Economic Cluster upang talakayin ang Executive Order 39 na inilabas ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapataw ng mandated price ceilings sa bigas na P41 per kilogram sa regular milled rice at P45 per kilogram para sa well-milled rice.

Sumangguni si Defensor sa Department of Agriculture, Deparment of Trade and Industry at Bureau of Customs sa mga tungkulin at responsibilidad ng mga LGU sa usapin ng pagsubaybay at pag-inspeksyon sa posibleng hoarding at hindi makatwirang pagtaas ng presyo sa kanilang nasasakupan.

Muling ipapatawag ng gobernador ang PPCC para sa pagpasa ng resolusyon sa price monitoring at activation ng local price control committee sa mga munisipalidad.

Makikipagpulong din siya sa rice traders hinggil sa pagpapatupad ng price cap.| ulat ni Bing Pabiona| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us