Iloilo solon, pinabibigyang prayoridad sa CHED ang scholarships

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinayuhan ng isang mambabatas ang Commission on Higher Education (CHED) na unahin ang pagbibigay ng scholarship sa mga estudyante sa halip na gamitin ang pondo para sa “non-essential expenditures”.

Ayon kay Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin, dapat ay mas malaking pondo ang ilaan ng CHED para sa pangangailangan ng mga estudyante gaya na lamang ng scholarahips.

“Ang napapansin lang namin, CHED always says ang daming kailangan ng mga estudyante [but] apparently you are not that keen on directly giving the assistance to our students because we are at a point na ang dami ngayon na hirap na hirap na gumastos ng pang tuition because we are in the midst of challenging times,” sinabi ng mambabatas.

Isa sa napuna ng House Appropriations Committee noong budget briefing ay ang napakaraming programa ng CHED, gaya ng research and development, certification at trainings, na ani Garin ay mas dapat ilipat na lang para sa scholarship ng mga mag-aaral ang pondo.

Sabi pa ng lady solon kay CHED Chairperson Prospero De Vera III na makipagtulungan na lang sila sa iba pang ahensya sa mga programang tulad ng Integration of Natural Green and Renewable Energy sa mga eskwelahan, na binanggit na may kaparehong proyekto ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Energy (DOE).

“There’s a big difference between wants and needs. Maybe eto ‘yung checklist niyo pero mas kailangan siguro ng ating mga kabataan ngayon na mabayaran [ang tuition fees]. Bilyon-bilyon ang ginagamit natin dito sa mga paggawa ng guidelines, biyahe, bisita, research kunyari, pang-evaluate ng performance. Do we really need this huge expense?” ani Garin.

Sa ilalim ng kasalukuyang 2023 budget, may kabuuang expenditure program ang CHED na P30.7 billion, kung saan 98.5% nito o P29.3 billion ang inilaan para sa scholarship sa ilalim ng Higher Education Development Program (HEDP).

Para sa 2024, tumaas ang panukalang budget ng ahensya sa P31 billion ngunit nasa P29 billion lang ang HEDP. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us