Immediate supervisor ng 5 pulis na nanloob sa isang computer shop sa Maynila, iniimbestigahan na rin ng PNP Internal Affairs Service

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniimbestigahan na rin ng Phlippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang immediate supervisor ng limang pulis-Maynila na iligal na pumasok sa isang computer shop sa bahagi ng Sampaloc noong July 7.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General, Atty. Alfegar Triambulo, may basbas ni Police Captain Rufino Casagan ang lakad ng mga nasasangkot na pulis-Maynila.

Aniya, inamin mismo ng mga pulis na alam ni Casagan na kanilang papasukin ang naturang computer shop kahit wala silang hawak na anumang search warrant na isang malaking paglabag sa Standard Operating Procedure o SOP ng PNP.

Kaya naman, ipinag-utos na rin ni Atty. Triambulo sa kanilang Investigation and Intelligence Division na imbestigahan si Casagan.

Magugunitang tuluyan nang tinanggal sa serbisyo sina P/SSgt. Ryan Paculan, P/SSgt. Jan Erwin Isaac, P/Cpl. Jonmark Dabucol, at ang mga Patrolman na sina Jeremiah Pascual at John Lester Pagar.

Sila ngayon ay humaharap sa mga kasong serious irregularities in the performance of duty, grave misconduct, at conduct unbecoming a police officer.

September 13 nang lagdaan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Police Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez ang dismissal order laban sa lima salig na rin sa rekomendasyon ng IAS. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us