Implementasyon ng Food Stamp program, pinatitiyak ni Pangulong Marcos Jr. na ‘di mababahiran ng katiwalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na magtulungan para sa matagumpay na paggulong ng Walang Gutom Food Stamp Program ng administrasyon.

Layon ng programa na makapagbigay ng sapat at angkop na nutrisyon sa mga pinakamahihirap na pamilyang nangangailangan, upang malabanan ang mga insidente ng pagka-bansot sa bansa.

Inatasan rin ng Pangulo ang mga ahensya ng pamahalaan, na siguruhing hindi mababahiran ng anumang katiwalian ang programa.

“Inaatasan ko ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na magtulungan tungo sa mas mahusay na pagpapatupad ng Food Stamp Program na ito. Tiyakin natin na walang bahid ng anumang anomalya ang pamamalakad ng ating mga proyekto.” —Pangulong Marcos Jr.

Umaasa naman si Pangulong Marcos Jr. na sa pamamagitan ng programang ito, magiging malusog ang mga benepisyaryo, upang magampanan nila ang pang-araw araw na tungkulin, at upang maabot ng mga ito ang kanilang mga pangarap.

“Nawa’y gamitin ninyo ang inyong mga E.B.T. cards [nang] wasto. Katuwang ninyo ang pamahalaan hindi lamang sa pagbuo ng inyong mga pangarap, kundi sa pagsasakatuparan ng mga ito. Tandaan po ninyo: Sa itinataguyod natin na Bagong Pilipinas, walang gutom, walang gutom at lahat ng mga Pilipino ay produktibo at may positibong pananaw sa buhay.” —Pangulong Marcos.

Ngayong araw (September 29), pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang distribusyon ng electronic benefits transfer (EBT) cards na may katumbas na P3,000 para sa masusustansiyang pagkain ng mga benepisyaryo. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us