Indibidwal na sangkot sa organ trafficking, naaresto ng NBI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hawak na ng National Bureau of Investigation – Anti-Organized and Transnational Crime Division ang isang lalaki na sangkot sa kasong human organs trafficking.

Kinasuhan na ng NBI ang nahuling suspek na si John Anthony Rosalin Gabriel dahil sa paglabag sa R.A. 11862 o Expanded Trafficking in Persons Act of 2022.

Ayon sa ulat, isang informant ang nagsumbong sa NBI tungkol sa aktibidad ni alyas Jan Jan na gumagamit ng facebook pages at user accounts sa iligal na kalakalan ng kidney organs.

Agad na nagsagawa ng surveillance operation ang NBI hanggang magkaroon ng komunikasyon kay alyas Jan Jan at makumpirma ang iligal na aktibidad nito.

Dinakip ang suspek sa Cubao nang makipagkita ito sa NBI agent na nagpanggap na poseur-buyer para sa pagbili ng human organ. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us