Inilatag na hakbang ng administrasyon para mapababa ang presyo ng bigas, pinuri ng House leaders

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ng House leaders ang mga hakbang na inilatag ng Marcos Jr. administration para mapababa ng presyo ng bigas hindi lang sa Pilipinas ngunit maging sa world market.

Partikular na tinukoy ni House Committee on Agriculture and Food Chair at Quezon Rep. Mark Enverga, ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad ng price ceiling at ang pagsasagawa ng inspeksyon ni Speaker Martin Romualdez sa mga warehouse ng bigas.

“President Marcos and Speaker Romualdez have showcased exemplary leadership and visionary strategies in tackling the intricate matter of rice pricing. Their decisive actions, notably the implementation of a price ceiling on rice, have been instrumental in upholding stability in this vital commodity, even amidst the turbulent tides of the global market,” ani Enverga.

Aniya ang presyo ng 5% broken rice ng Vietnam ay bumaba ng 2.3 porsyento at naging $628 kada tonelada nitong Setyembre 5 hanggang 7 matapos magpataw ng price ceiling ang Pilipinas.

“Recognizing the importance of rice as a staple food for the Filipino population, President Marcos and Speaker Romualdez took decisive action to mitigate rising rice prices. The decision to impose a price ceiling was a well-calculated move aimed at protecting the interests of consumers and Filipino rice farmers alike,” dagdag ng kinatawan

Ayon naman kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, dahil sa pagpapatupad ng price ceiling ay nagising ang mga negosyante sa kanilang ginagawang pagtataas ng presyo.

“The cap ended the rice price spike. It is now clear that soaring cost of the grain is artificial, driven by market speculation and rice traders driven by greed. Now, we have to manage our rice inventory better to avoid fueling the speculation here and in the global rice market,” sabi ni Salceda.

Ipinakita din aniya ng hakbang ng dalawang lider ang kanilang kakayanan na tumugon sa komplikadong usaping pang-ekonomiya.

“The global market shift following their intervention is a testament to their ability to navigate complex economic landscapes. It highlights the Philippines’ capacity to influence and contribute positively to international food markets,” dagdag pa ni Salceda. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us