Ipo Dam, nagpapakawala ng tubig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula nang magpakawala ng tubig ang Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat.

Ayon sa PAGASA, sinimulan pa kahapon ang pagpapakawala ng tubig sa dam.

Sa ngayon ay .15 meters ang bukas na gate ng Ipo Dam.

Sa datos naman ng PAGASA Hydrometreology Division, as of 6am ay umabot sa 100.92 ang water level sa Ipo Dam na malapit na sa spilling level nito na nasa 101 meters.

Samantala, nadagdagan naman ng higit isang metro ang lebel ng tubig sa Angat Dam na nasa 199.15 meters mula sa 198.14 meters kahapon.

Bukod rito, tumaas din ang lebel ng tubig sa La Mesa, Ambuklao, Binga, Pantabangan, pati ang Magat Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us