IRR para pasimplehin ang telco permits inilunsad na ng ARTA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Executive Order (EO) No. 32 series of 2023, o ang “Streamlining the Permitting Process for the Construction of Telecommunications at Internet Infrastructure”.

Ayon kay ARTA Secretary Ernesto Perez, ang IRR ay magbibigay ng wastong pagpapatupad sa Executive Order No. 32 habang ginagawa nitong pormal at istandardize ang guidelines ng bagong regulasyon. 

Ito ay ginawa ng Technical Working Group (TWG), na pinamunuan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kasama ang mga miyembro mula sa ARTA, Department of Public Works and Highways, National Telecommunications Commission at ang Department of the Interior and Local Government.

Kabilang sa mga probisyon ng IRR ay ang mga delineated requirements pati na rin ang standardized processing period at assessment of fees.

Tungkulin ng ARTA sa IRR ay nakatuon sa mga delay sa pagproseso sa aplikasyon para sa government-issued licenses, clearances, permits, certifications, o authorizations.

Susubaybayan din nito ang mga unresponsive government institutions at ibunyag ang mga public official o mga kinatawan na walang balidong dahilan na humahadlang o nananakot sa sinumang kumpanya ng telekomunikasyon.

Layon ng ARTA na bawat Pilipino, anuman ang kanilang lokasyon o kalagayan, ay magtatamasa ng pantay sa pag-access at pakinabang na dulot ng modernong communication technology. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us