Isa sugatan, sa salpukan ng pampasaherong bus at ambulansya sa EDSA busway sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isa ang sugatan sa salpukan ng ambulansya at pampasaherong bus sa EDSA busway sa bahagi ng EDSA Kamuning Northbound sa Quezon City.

Sangkot sa aksidente ang ambulansya na may nakalagay na Gerona Tarlac at ang RRCG bus.

Batay sa report ng MMDA, biglang pumasok ang ambulansya sa EDSA busway na sakto namang papasok ang RRCG bus dahilan para magsalpukan ang mga ito.

Bumangga pa sa concrete barrier ang ambulansya.

Sugatan naman ang driver ng ambulansya pero walang nasugatan sa mga pasahero ng bus.

Sa ngayon ay lumikha ng mabigat na daloy ng trapiko ang aksidente sa may bahagi ng Mega Q-Mart. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us