Nais mamuhunan ng GMR Group ng India sa Build Better More Program ng Marcos Administration, partikular sa mga proyekto para sa paliparan, mga kalsada, at energy sector.
Sa pulong kasama ang mga matataas na opisyal ng GMR group sa sidelines ng 2023 Asia Summit, sinabi ng kumpaniya na magbibigay sila ng long-term solution sa Pilipinas.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., welcome ito sa bansa lalo’t mayroon itong kinalaman sa pagpapalakas ng travel, tourism, business travel, at iba pa.
Sabi ng Pangulo, ang direksyon naman talaga na tinatahak ng kaniyang administrasyon ay ang pagtatayo ng malalaking infra projects, para sa patuloy na development ng ekonomiya ng bansa.
“We’ve been trying, the reason, we go to this process, is that it is a major part of our economic program. Well of course Manila is the gateway, even regional airports we are starting to develop, so that not everyone have to get to Sangley or Bulacan,” —Pangulong Marcos Jr.
Kung matandaan, ang Indian firm na ito ay una nang gumugol ng 11 taon sa Pilipinas, at nag-operate sa Mactan at Clark Airport.
“Definitely we need to improve the capacity that serves Manila. Sangley, the one of Ramon Ang. Anything you build it will get full. I don’t worry, all my experience in major infrastructure, you think its overcapacity, three years later you’ll building some more,” —Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan