Joint patrols ng AFP at US military sa WPS, magpapatuloy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatuloy ang joint patrols ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US military sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang inihayag ni US Indo-Pacific Commander John Aquilino sa pulong balitaan pagkatapos ng isinagawang taunang Mutual Defense Board – Security Engagement Board Meeting ng AFP at US military kahapon sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay Aquilino, ang isinagawang joint sail ng Philippine Navy at US Navy sa karagatan ng Palawan nitong September 4, ang unang joint patrol na dinisenyo ng team ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. at ng US military team na inaprubahan ng mga lider ng dalawang bansa.

Ito aniya ay magiging “long-term” o pangmatagalang aktibidad para mapangalagaan ang “freedom of the seas” at “freedom of airspace,” upang ang lahat ng bansa sa rehiyon ay makatamasa ng kapayapaan at prosperidad.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Gen. Brawner na ilang mga bansa ang nagpahayag ng interes na sumama sa joint patrol ng Pilipinas at U.S., at kasalukuyang pinaplantsa ang plano ukol dito. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us