Kaanak ng mga nasawi sa sunog sa Pleasant View sa Tandang Sora, nakunan na ng pahayag ng QCPD CIDU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring sunog sa Pleasant View Subdivision sa Brgy. Tandang Sora na ikinasawi ng 15 katao.

Sa pinakahuling development ay nakunan na ng pahayag ng Quezon City Police District (QCPD) Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa pangunguna ni CIDU Chief Police Major Don Don Llapitan, ang 10 kaanak ng mga biktima ng naturang sunog.

Ito’y matapos makipag-ugnayan ang CIDU sa tanggapan ni Occidental Mindoro Governor Hon. Eduardo Gadiano at Sablayan Municipal Police Station para mapuntahan at makausap ang mga kaanak ng mga nasawi.

Una nang iniutos ni QC Mayor Joy Belmonte sa City Legal Department na bumuo ng isang Special Panel of Investigators upang busisiin ang naturang sunog at sampahan ng kaso ang mga responsable sa insidente.

Hiniling na rin ng alkalde ang pag-relieve sa dalawang opisyal ng BFP-QCFD matapos ang umano’y kapabayaan nito na maaaring isa rin sa rason kung bakit marami ang nasawi sa sunog sa Tandang Sora.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us