Kadiwa ng Pangulo Farmer’s Day, muling isinagawa sa Dagupan City, Pangasinan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling binuksan ng local government unit (LGU) ng Dagupan City, Pangasinan ang Kadiwa ng Pangulo Farmer`s Day outlet sa CSI Big Atrium, Lucao District, Dagupan City.

Tatagal ang Farmer`s Day Market mula ngayong araw, ika-2 ng Setyembre hanggang bukas, ika-3 Setyembre, 2023.

Katuwang ng LGU ang iba`t ibang partner outlet at MSMEs mula sa iba`t ibang bahagi ng lalawigan.

Pangunahing layunin ng kaganapan na matulungan ang mga mamamayan na makayanan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pagkain at mapataas ang kita ng mga lokal na magsasaka, mangingisda, at mga maliliit na negosyo sa lalawigan

Ang Kadiwa ng Pangulo ay pangunahing inisyatibo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na siyang magbibigay daan sa mga magsasaka na direktang magbenta ng mga kalakal sa mga mamimili nang walang mga trader-intermediaries. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us