Sa layuning mailapit pa sa iba’t ibang government agencies ang flagship project ng Department of Agriculture (DA) ay sinimulan na rin ang pag-roll out ng mga permanenteng Kadiwa stores sa iba’t ibang research centers ng DA-Bureau of Plant Industry (DA-BPI).
Mula noong unang linggo ng Setyembre, may ilang Kadiwa stores na ang binuksan kabilang sa DA-BPI Guimaras National Crop Research Development and Production Support Center (NCRDPSC), DA-BPI-NCRDPSC sa Los Baños, Laguna, Davao, at La Granja sa Negros Occidental.
Kasama rin sa target na buksan ang DA-BPI-NCRDPSC sa Baguio City sa September 28.
Sa panig ng BPI, tiniyak nito ang patuloy na suporta sa pamamagitan ng pamamahagi ng magagandang kalidad ng binhi, production management, at marketing para matulugan ang mga magsasaka na mai-market ang kanilang produkto sa mababang presyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa