Kahandaan ng Malay PNP sa mga kritikal na insidente, sinubok sa simulation exercise sa ilsa ng Boracay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay ang isinagawang Simulation Exercise (SIMEX) ng Malay Municipal Police Station sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.

Ang SIMEX ay pinangunahan mismo ni Police Regional Office 6 Regional Director Sidney Villaflor na nag-obserba sa naging performance ng kapulisan.

Pag-atake ng mga terrorista, pagkalunod, checkpoint, hostage taking at pagbomba ang mga scenario sa isinagawang SIMEX ng kapulisan.

Ipinakita ng kapulisan ang kahandaan sa iba’t ibang scenario na possibleng mangyari sa isla.

Ayon kay P/Lt. Col. Dainis Amuguis, hepe sang Malay Municipal Police Station, layon ng SIMEX na palakasin pa
ang kapabilidad ng kapulisan sa pagresponde sa mga kritikal na insidente.

Sa isinagawang evaluation, ikinatuwa naman ni PRO6 Director Sidney Villaflor ang ipinakitang kahandaan ng kapulisan.

Nirekomenda naman ng opisyal sa Malay Police Station na sumali rin sa mga susunod na SIMEX ang mga stakeholders para sa mas maayos na koordinasyon sa isla.| ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us