Kaligtasan ng 2 bumaliktad na aktibista, tiniyak ng NTF-ELCAC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na pangangalagaan nila ang kaligtasan at itataguyod ang karapatan ni Jhed Reiyana Tamano at Jonila Castro, ang dalawang aktibista na unang napaulat na nawawala.

Sa isang statement na inilabas ni ni NTF-ELCAC Spokesperson at National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya, pinaninindigan ng NTF-ELCAC ang opisyal na ulat ng pulis at militar tungkol sa pagsuko ng dalawa.

Ito’y matapos ang biglang pagbaliktad ng dalawa sa kanilang kwento tungkol sa kanilang “pagkawala” nang humarap sa pulong balitaan ng NTF-ELCAC kamakalawa sa Plaridel, Bulacan.

Dito’y kanilang sinabi na sila ay pwersahang pinasuko ng gobyerno sa Orion, Bataan noong September 2, na taliwas sa kanilang unang sinumpaang salaysay na boluntaryo silang sumuko at hiningi ang tulong ng gobyerno upang matakasan ang NPA.

Sa kabila nito, sinabi ng NTF-ELCAC na hindi natitinag ang kanilang pagsisikap na gampanan ang kanilang mandato at ipauubaya na lang nila sa mga abogado ang susunod na hakbang.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us