Kamara, tuloy ang trabaho kahit naipasa na ang LEDAC bills

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatuloy ang trabaho ng Kamara kahit pa naaprubahan na ang lahat ng LEDAC bills at kahit naka-break ang Kongreso.

Salig ito sa atas ni House Speaker Martin Romualdez bago tuluyang mag-adjourn ng sesyon.

Sa huling araw ng sesyon nitong Miyerkules, naghain ng mosyon si House Deputy Majority Leader Marlyn Primicias-Agabas na payagan ang mga komite na magpatuloy sa pagtatrabaho upang matapos ang mga mahahalagang panukala sa panahon ng break mula Setyembre 28 hanggang Nobyembre 5, 2023.

Kabilang dito ang mga panukala na makatutulong tugunan ang mataas na presyo ng mga bilihin.

Kasama rin sa target ng Kamara na tapusin ang nalalabing sampung SONA priority measures.

“While we already passed almost all of our priority bills listed under LEDAC (Legislative-Executive Development Advisory Council) and SONA (State of the Nation Address), we want to accelerate the passage of other House priority legislations. We still have a lot on our legislative table and other urgent measures are in various stages of deliberation,” sabi ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us