Kapakanan ng OFWs, kabilang sa itinulak ni PBBM sa ASEAN Summit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kabilang ang proteksyon ng migrant workers sa mga isinulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ASEAN Summit ayon kay Speaker Martin Romualdez.

Sa panayam sa House leader na kasama sa delegasyon ng Pilipinas sa Indonesia, sinabi niya na isa sa mga paksang binuksan ni PBBM sa plenary session ng ASEAN ay ang proteksyon ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ipinapakita aniya ng Punong Ehekutibo sa mga kapwa lider ang pagpapahalaga ng Pilipinas sa ating migrant workers sa pamamagitan na rin ng mga batas na ipinasa para sa kanilang kapakanan.

Kasama dito ang pagtatatag ng ospital para sa kanila gayundin ang paghihigpit sa regulasyon ng mga employment agencies.

Nagsilbi rin aniya itong pagkakataon para mahimok ang ASEAN member states na magkaisa sa pagtugon sa iba’t ibang isyu, kasama ang sa mga migrant workers lalo at sa bawat bansang kasapi at mayroong mga OFW na nagtatrabaho.

“…Dito naman sa ASEAN ay maganda itong forum nakikita po ng lahat… yung concern po ng ating mahal na Pangulo ay sa ating mga OFW na nasa abroad… maraming mga OFWs dito [kung] saan tayo, although not so many dito sa Jakarta, Indonesia, pero dito sa rehiyon at saka sa totoo lang po yung may mga migrant workers ay taga-ASEAN din… the ASEAN centrality lahat ng taga-ASEAN nagkakaisa using the ASEAN as a platform para magpo-project sa labas, outside of the region yung mga interes gaya ng welfare ng ating mga migrant workers,” sabi ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us