Kaso ng viral road rage sa QC, dedesisyunan na ng LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa nang desisyunan ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ang kaso laban sa dating pulis na si Wilfredo Gonzales na sangkot sa viral road rage video.

Ayon kay LTO-NCR Acting Assistant Regional Director Hanzley Lim, hindi sumipot sa pagdinig kahapon si Gonzales at ang anak lang nito ang humarap sa LTO na isinuko ang driver’s license ng ama.

Dagdag pa ni Lim, kapwa hindi nagsumite ng affidavit si Gonzales pati na ang anak nito na siyang nakarehistrong may-ari ng pulang KIA Rio na sinakyan nito sa viral video.

Dahil dito, ituturing na itong pag-waive ng karapatan na mailahad ang panig at magdedesisyon ang ahensya batay sa mga naiprisintang ebidensya.

Ayon kay Lim, isusumite na para sa resolusyon ang naturang kaso na iaakyat din sa tanggapan ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na siyang mag-aapruba nito.

“With the absence of the notarized affidavit, these cases are already submitted for resolution and whatever the results, they will be submitted to the office of our LTO Chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza II, for approval,” ani Lim.

Oras namang mapatunayang lumabag sa Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code, partikular sa reckless driving, obstruction of traffic at improper person to operate a motor vehicle si Gonzales, ito ay papatawan ng LTO ng permanent revocation ng kanyang lisensya sa pagmamaneho. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us