Kasunduan sa pagitan ng mga unibersidad ng Pilipinas at China, pinabubuwag sa CHED

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Commission on Higher Education na ibasura ang mga pinasok na kasunduan ng ilang unibersidad sa Pilipinas kasama ang Chinese universities.

Ayon kay Rodriguez, kailangan ng iisang posisyon ng Pilipinas pagdating sa pag-protesta sa patuloy na panghihimasok ng China sa ating teritoryo at panggigipit sa ating Coast Guard.

“The CHED, particularly Chairman Prospero de Vera, should cancel those partnerships. While we have been protesting against continuous Chinese aggression in the West Philippine Sea, here we have the CHED going the opposite direction by engaging with Chinese universities…[CHED] is sending the wrong signal that we, as a country and people, are not united in showing our dismay, disgust, disappointment, and even anger over Chinese harassment and bullying of our soldiers, Coast Guard and fishermen in the West Philippine Sea.” ani Rodriguez.

Payo pa nito, sundan dapat ni CHED Chair Prospero De Vera ang hakbang ng militar na ihinto ang pagpapadala ng ilan sa opisyal nito sa China para sa pag-aaral at training.

“We cannot do what Mr. de Vera and several of our universities have done or we will be sleeping with the enemy. I support the actions taken by our military. We cannot have a frenemy and a bully joining us in watching over our own backyard, on which it has encroached and it does not want to leave despite our repeated protestations and arbitral victory,” diin ng mambabatas.

Sa halip aniya, mas mabuti na makipagkasundo ang CHED at mga kolehiyo sa bansa sa mga kaalyado na nating nasyon gaya ng United States, Japan, South Korea, at Australia.

Katunayan kamakailan lang aniya ay nakipagkasundo ang University of Science and Technology of Southern Philippines (USTP) sa Korea University at Sogang University para sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga guro at research and development program ng USTP.

Gayundin ay magbigay ng scholarship para sa 3-taong diploma courses. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us