Kauna-unahang Halal App na tutugun sa mga halal services sa bansa, inilunsad!

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinasagawa ngayon sa Makati City ang paglulunsad ng kauna-unahang Halal App sa bansa na makakatulong sa ating mga kababayan sa paghahanap ng Halal services.

Ang Zouq App na pinangunahan ng kanilang Chairman /CEO na si Mohamad Aquia ng Zouq halal software corp, ibinahagi nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Halal presence online dahil aniya, itoy isang proyekto na may malaking potensyal na makatutulong sa komunidad.

Kasama sa mga dumalo sa nasabing okasyon si NCMF Director Saleha Sacar, former DTI Undersecretary Abdulgani Macatoman, at iba pang foreign dignitaries at mga investor.

Dito, ibinida ni Aquia na maliban sa pagkain, tutugunan ng kanilang app ang Halal fintech and finance, logistics, health & wellness at Import & Export. Dahil aniya, “Halal is for everyone.”

Isa sa mga partners ng Zouq na dumating si Amir Moghaddasi, ang MET EXPRESS CHAIRMAN-CEO, isang airline company.

Ani Moghaddasi, mas lalo nilang naramdaman ang problema sa Halal services sa metro manila nitong pandemic dahil sa unavailability ng Halal products online. Aniya, isang karangalan na dalhin ang mga produktong pwede sa mga Muslim sa Philippine market dahil paniniwala niya, “What muslims can eat, a lot can eat.”

Dito emosyonal na ibinahagi ni Hussein Alexus Mamasabulod, co-founder & General Manager ng Zouq, ang bilis ng mga pangyayari. Aniya, ang nasabing app ay sinimulan lang naconceptualize nito lamang Ramadan 2023 na ngayon ay nagbunga.

Panawagan ng app developers, ito ang tamang oras para mamuhunan ang iba’t ibang kompanya, produkto para sa panawagang Halal.

Ang Zouq ay isang arabic term na ibig sabihin, ay market o palengke. Maaari nang masimulang i-download ang nasabing app sa Google Play at Apple App Store.| ulat ni Princess Habiba Sarip-Paudac

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us