Kauna-unahang level 1 hospital sa Dagupan City, nakatakdang ipatayo ng  DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang ipatayo ng Department of Health Center for Health Development 1 ang kauna-unahang level 1 hospital sa Dagupan City base sa naging pagbisita ng kinatawan ng ahensya na si DOH-CHD 1 Engineer III, Engr. Roberto Tapangco sa tanggapan ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez.

Ayon sa DOH, isang mother and child government hospital na may 25 bed capacity ang nakatakdang itayo sa siyudad sa ilalim ng health facilities enhancement program ng pamahalaan.

Ayon sa alkalde, sa pagkakaroon ng kauna-unahang level 1 hospital facility ng lungsod ay mas mapapalawig ang health services na maihahatid sa mga Dagupeño.

Inilalatag na ng siyudad ang mga plano para sa naturang mother and child hospital na may 150 million peso inisyal na pondo mula sa national government.

Ito ay bilang suporta rin sa pagpaatupad ng Universal Health Care LAW (UHC) sa Dagupan at bahagi rin ng devolution of services mula sa pambansang gobyerno pababa sa mga LGU. | ulat ni Verna Beltran | RP1 Dagupan 

📸 LGU Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us