Komprehensibong ulat ng PhilHealth sa pag-atake ng Medusa ransomware sa kanilang online system, hawak na ng National Privacy Commission

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naisumite na ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang kanilang komprehensibong ulat sa National Privacy Commission (NPC).

Ito’y sa pagpapatuloy ng isinagawang pulong ng dalawang ahensya ng pamahalaan kasunod ng nangyaring pag-atake ng MEDUSA ransomware sa online system at website ng pangunahing state health insurer.

Sa panayam kay PhilHealth Senior Vice President Dr. Israel Francis Pargas, sinabi nito na mula pa noong isang linggo ay puspusan ang ginagawa nilang pagdodokumento sa kanilang mga apektadong datos.

Layunin nitong matingnan kung may mga datos silang nalagay sa kompromiso kasunod ng naturang pag-atake

Gayunman, sinabi ni Pargas na sa pauna nilang imbestigasyon ay walang personal o medical na impormasyon mula sa kanilang mga miyembro ang kumalat o nag-leak.

Patuloy namang umaasa ang PhilHealth na maibabalik na sa normal ang sitwasyon ng kanilang online system at website ngayong araw, matapos ang isinagawang pag-iinspeksyon ng mga taga-NPC. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us